Etneb+Etneb = Takwarents

Mga nagkakalasang mga buto!

– Bok

A year end writing ngayong patapos na ang 2020! Sa 1st quarter lang din ata ako nag grind para sa mga blog and dalawang biglaang sulat. Recap? (Long post ahead!)
366/366!!!
1. S Class
2. Bangon
3. Korean
4. Meow
5. Bayan Nino
6. Byahe
(Pacheck na lang haha sa main site hehe.) ->
And eto ang magiging last na sulat ko ngayong taon. So bago ang lahat salamat sa mga readers na naliligaw at maliligaw pa dahil sa mga topic na pinagsasabi at pinagkukwento ko. Salamat sa oras na ginugugol niyo para basahin o kahit di man umabot sa pinakadulo salamat pa din! (Hindi naman kase toh monetize na site kaya oks lang haha. Di ako kumikita dito, Nyahahaha.) Hindi naman talaga ako legit blogger pero base lang ito sa realization ko sa buhay at mga pala-isipan na gusto kong ibahagi. So alam ko mahirap tong 2020 sa ating lahat pero sige iisa-isahin ko kung ano nga ba ang mga naunawaan at natutunan ko ngayong taon.

Nagkaroon ako ng problema sa buhay lalo na sa family, school, love life, society, policitics at pandemic. Ganon naman talaga tayong mga tao may kanya-kanyang buhay at kanya-kanyang kwento. Talaga sigurong sinusubok lang din ako ng tadhana, namatay din kase ang isa sa mga greatest tito ko na akala ko eh aabot siya sa graduation. Masama ang loob ko kase di niya natupad yung pangako niya para sa akin. Dalawa ang kasama ko sa bahay simula nung nag college ako si Tita at si Tito, hindi sila mag-asawa, magkapatid sila. Tinuring nila akong anak sa loob ng 5 taon na pag-aaral ko sa kolehiyo. Mag-aanim na taon na ako dito sa bahay nila pero si tita na lang makakasama ko for the 6th yr. Hindi ako iyakin na tao sa totoo lang pero nung naranasan ko mawalan ng mahal sa buhay eh parang konting lungkot lang iiyak na agad ako. Ewan ko sa sarili ko, pinipigilan ko ngunit tumutulo talaga ang luha ko pag na-iisip ko yon. Pero ngayon malakas na ako syempre natuto na eh. Ako pa ba? Pero hindi masamang umiyak lalo na kung doon lang naten na-ilalabas yung saloobin naten. Salamat kay tito sa nakasama ko siya at isa sa mga gumabay sa akin sa growth stage ko sa buhay. TITO!!!! Graduate na ako!!! May syota na din ako hehe! (Next topic graduation. Next Syota.)

Oo graduate na ako sa kursong Aeronautical Engineering. Madugo ang laban, lalo na muntikan na ako bumagsak. Wala pang pandemic non kaya talagang todo kayod, at mas todong kayod nung naging online class ang huling sem ko. Totoo na wala sa talino kung gusto mong pumasa, mas mabuting maging matyaga at gusto mo ang ginagawa mo. Marami akong pinaghugutan ng inspirasyon para makapasa. Maraming salamat sa lahat ng naging bahagi non at mapahanggang ngayon di ko malulimutan yung thesis at design namin. Mula sa plates at paper works at mga walang tulugan segment. Sabay na din yung studies at memorization ng kung ano-ano. Di ko din inakala na makakaya ko. Sipag at nilaga lang talaga. At nakumpleto ko din pala ang simbang gabi non, walang masama maniwala. Lagi ko din kase panata yon at dalangin kay lord. Kitams pasado at graduate pa! At kinaibahan lang eh di kami sumampa ng stage para maabutan ng diploma. Walang pagtitipon, walang event, pero nagbayad kami at hanggang ngayon walan refund. HOY! Anunahhh!? De siguro may plano lang sila kung manumbalik ang lahat, baka pwede na makamartya. (Pera namin hah nako sawa na kami sa pangungurakot lalo na sa bansang Pilipinas. Oooops!) Iba lang talaga ang new normal and postponed yung board exam namin ngayong 2020, nailipat naman sa 2021 kaya magiging 6 years na ako sa college. (7th na actually shifter pala ako hehe.) Basta kakayanin! Balitaan ko na lang kayo kahit wala naman kayo pake hahaha.

Mapunta naman tayo sa lovelife (Yieeeeee.), well after 6 years ng pagiging single nagkaroon ako ng jowa hehe. Marami akong pinagdaanan para matagpuan ko tong minamahal ko ngayon. Naging magkaibigan kami noong 2018 and naging kami this 2020. Mabilis din ang pangyayare para sa amin pero kung talagang tinadhana kami eh talagang para kami sa isat-isa. Nagsimula ako manligaw noong 2019 November. Unang pagtatagpo ng mata alam ko gugustohin ko siya at unang pag-uusap at pagsasama eh alam kong mamahalin ko na siya. Matagal na talaga kami nag-uusap bilang magkaibigan sa chat nung 2018 pero naging turning point ang 2019 para magkaroon ng mutual understanding. Mahaba ang kwento at drama na nangyare sa amin pero 2020 ang naging susi para mahalin na talaga namin ang isat-isa. 2019 December ako nag effort ng todo, Enero hanggang Marso ng 2020. Ginawa ko lahat ng makakaya ko, pinakita ko kung gaano ko siya kamahal. Naghabol ako bago mag lockdown kase balita na ang Covid-19 noon at di namin inasahan na maglolockdown at tatagal tong pandemic. Hindi naman agad kase naging kami sa span na yon pero alam namin sa mga sarili namin na mahal na namin ang isat-isa. Tamang chat, tawag, at video chat lang naman ang ginawa ko. At ayun dumating ang September eh naging kami na. (Hindi alam ng family niya toh bawal daw eh kaya shhhh lang guys, hanggang ngayon kase akala nanliligaw pa din ako huehehe.) Nakadalaw na din ako nung naging maluwag ang quarantine sa bahay nila and nakalabas na din naman kami. Mahalaga yon sa totoo lang kase di din maiwasan ang may tampuhan at away. Pero napapawi yon ng pag-uusap, mahalaga din ang interaction, natural sa tao yon, spiritually and physically. Pero mas mahalaga na maramdaman ng puso, mahalaga ang may malakas na pundasyon. Kase sa kabila ng mga na experience ko na streaking basted sa mga niligawan ko eh natuto na talaga ako. Ngayon alam ko na, natagpuan ko siya. Ayaw ko magsalita pero wala na akong ibang hiling at dalangin. Maysado na akong matanda para sa puppy love at temporary love. Gusto ko na toh, eto na talaga kaya gagawin ko ang lahat para maging last na toh. Ayaw ko mangako pero I’ll do my best for her. Kuntento na ako at masaya para sa kanya. Kaya kung ikaw eh wala pa maniwala ka darating din yan. Kung ikaw na nahihirapan na, walang ayawan sa pagmamahal, samahan ng dasal. Matutong makuntento at maging committed sa isang relasyon. Kung titingnan eh 2 years and more na kami magkakilala ng syota ko. Pero sa bilang ng pagiging official at may label eh bilangin niyo na lang haha. Sa ngayon marami akong gustong sabihin sa kanya bago matapos ang taon kaya usap na lang kami mamaya hehe. Gusto ko din talaga makasama siya sa pagsalubong ng bagong taon, kahit na new normal at wala ng paputok.(some areas). Gusto ko din magpaputok eh kasama siya. (Kung may iba kang ini-isip nako bad yan. Pero gusto ko din yan charot! Good boy ako. :P)

Mapunta naman tayo sa family ko, tingin ko masyado siyang personal para pag-usapan pero sasabihin ko na okay na. Ngayong 2020 naging maayos na din. Masaya ako na medyo naayos na sa kabila ng mga pagtatalo at away. Naging solohista na din kase ang mga ate ko lalo na sa usaping pangarap sa pamilya at pangarap bilang isang indibidwal. Ikakasal na din kase ang ate at kuya ko basta! Haha! Medyo natuwa lang ako kase tanggap ng papa ko na talagang against pa sa lahat nung una. Pero natanggap na din niya kinalaunan na ganon ang buhay. Siguro para sa mga natitirang kapatid gusto pa din namin matupad yung pangarap namin para kina mama at papa pero may sari-sarili din kaseng pangarap ang tao. Hindi naten sila masisi. Pero para sa akin gusto ko pa din matapos muna na bigyan ng stable na buhay sina mama at papa bago sa akin. Siguro tutulong naman yung iba kong kapatid di naman mawawala yon. Kung saan sila masaya don na din ako. Naisip ko lang na nababago din pala ang mga pangarap habang tumatanda ka, katulad sa mga katapid ko na ang unagn plano namin sa buhay eh “Ay pagawa muna tayo bahay kina mama at papa bago tayo mag kanya-kanya. Bigyan naten muna sila ng kunswelo dahil sa mga paghihirap at ginawa nila sa atin.” Ngayon kase na nagka-edad na eh iba na ang panagarap, “Masaya na ako sa buhay ko ngayon, masaya ako sa ginagawa ko.” o di kaya “Magpapakasal na kami may plano na kami.” at “Gusto ko mag-ipon para sa sarili ko.”. Yung mga bagay na yon talagang nagbabago para sa pansarili. Medyo nalulungkot ako sa mga bagay na yon pero nakakatuwa kase iba ang realidad. Siguro need lang talaga ng dasal at tiwala para sa mga pangarap, wala naman talaga masama doon. Walang masama magkaroon ng pangarap para sa sarili.

Pandemic, iba ang tama ng potaenang virus na ito. Hindi lang sa mga tao, para na din sa lipunan. Iba ang tama sa utak ng bawat isa. Masyado na din mahaba kung pag-uusapan pero kitakits na lang sa susunod na halalan. Alam ko di talaga perpekto ang tao, mahirap magkaroon ng isang ideal na pananaw para sa society. Never magiging perfect lalo na sa mga politikong may mga kanya-kanyang sariling interes sa bayan at sa iba pang bagay. Hindi mawawala ang mga masama, hindi mawawala ang mga mapansamantala. Pero sa kabila non hindi mawawala ang mga mabubuti at tapat sa ginagawa. Ayaw ko sabihin na suko na ako para sa Pilipinas, pero niniwala ako malapit na. Malapit na makamit ng bansang Pilipinas ang maging mapayapa.

“Hindi masama ang resilience. Mahalaga ang resilience. Kailangan natin ang resilience. Hindi dapat mamili sa pagitan ng resilience at pagdi-demand ng good governance and accountability. Pwedeng sabay yon. Lalo na sa ganitong pamunuan, kailangang sabay yon.”

-Bob Ong

(Apply muna ako passport at visa lol.)

Naging bored din talaga ako nung quarantine, bukod sa pagrereview eh gumawa din ako ng mga shortfilm. Lumabas yung passion ko don at kung interesado kayo eh panoorin niyo toh hehe. Subscribe na din kayo huehehe. Di ako naka monetize kaya huwag mag-alala wala akong kita dyan haha masaya lang ako ng maishare ko okay?

Click na na kang mga zir! —->Kilighttps://www.youtube.com/watch?v=wguEOFpvAYY&t=63s

And eto yung 2nd short film ko hehe. —–> TAWAGhttps://www.youtube.com/watch?v=PxFLwwKswbI&t=62s

Marami talaga ako natutunan ngayong taon sa kabila na pinagdaanan naten lahat. Di na din ako naka-uwi ng probinsya. Dito na ako nagpasko at magbabagong taon. Siguro ngayon dapat nagbebenta ako ng torotot sa palengke kung naging normal ang lahat. Sa panahon na ito, eto yung naging silbing aral sa lahat na lahat pwede magbago, lahat pwede mawala ng isang iglap. Mahalaga na alam naten iyon at may pananalig tayo sa diyos. Bago matapos ang taon na toh magpasalamat tayo sa may kapal at ngayon nababasa mo toh kase syempre buhay ka pa hahaha. Patunay na ang etneb-etneb ay di biro para sa ating lahat.

Mga nagkakalasang mga buto!!! Nakita ko yan sa isang vlog ni Rogerraker check niyo na lang doon. Nasabi kase ni Bok yon isa sa mga member ng Team Payaman. Para sa akin bago matapos ang taon, yung quote ni bok isang mensahe para sa akin na we need to break a leg for 2021. Hindi lang isang buto iyon. Maraming mga buto! Dahil sa parating na bagong taon maraming goodluck dahil babangon tayo. (Pasensya na din sa mga wrong spelling wala na akong backread at review dyan haha type lang ng type. Ang mahalaga maintindihan. Diba diba?)

Comment down “Hataw tayo!” kung umabot ka dito! Pero okay na din kung i-like mo. At sa mga naligaw ulit dito maraming salamat sa pagbabasa! Godbless! Let’s go 2021!

Etneb + etneb = Takwarents (40 = Hard work and success!)

Magluluto na ako anong oras na!

Image may contain: 1 person, sitting and outdoor
Wala ako lang toh. Mask on! Huwag kalimutan!

Leave a comment